Paano ba magpatawad?

Isang tanong na hirap kong sagutin. Kaakibat na yata ng pagiging matandain ko sa mga bagay-bagay ay ang hindi ko pag limot.

Nangumpisal ako kanina at humingi nang kapatawaran dahil ano man ang gawin ko, hirap akong magpatawad. Ilang ulit ko nang sinabi at pinaniwala ang sarili ko na nakapagpatawad na ako, pero sa tuwing naiisip ko lahat nang nangyari, bumabalik lahat ng sakit at galit. Nagdaan na ang mga araw, buwan, taon, hirap pa rin ako makalimot. 

Kaakibat na yata ng pagiging matandain ko ay ang hindi ko kakayanang makalimot. Kakambal ng abilidad kong ito ay ang pasakit na ang tagal ko bago magpatawad. 

Humingi ako nang tawad dahil kahit anong gawin ko, hirap akong magbigay nito. KABALINTUNAAN. Sabay ng aking pagtangis ay ang pagsabi ng Kura na “Tao ka lamang, nasasaktan, nagkakamali at nagkakasala. Isipin mo na lamang na ang pagpapatawad ay parang pag lilinis ng sugat, masakit pero kailangan mong gawin. Pero habang nililinis mo ang sugat, ramdam mo pa din ang sakit. Hindi ibih sabihin nito ay hindi ito gumagaling, ang sakit na ito ay dulot nang paghihilom na nagaganap habang nililinis mo ito. Simulan mo ulit magpatawad. Ulit ulitin mo hanggang mawala na ang sakit — hanggang sa ito ay maghilom.”

Sana kaya kong piliin ang mga bagay na gusto kong maalala at ang mga bagay na hindi na. Kaya ko naman siguro, hindi ko pa lang nalalaman kung paano. Maari rin na alam ko naman, ayaw ko lang gawin. Malamang kapag pinili ko nang makalimot, matututo na din akong magpatawad. Sana, mali, DAPAT.

#Forgiveness

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s