Hiling

Isang gabi ako ay humiling
Na sana ay mapawi na lahat ng lungkot at damang sakit

Sana ay hindi na ako matatakot sa pagsapit ng dilim
Hiniling ko na sana ay sa aking pag gising,

maliwanag na ang daang aking tatahakin.

Isang araw ako ay nagising

at sa hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko ikaw ay dumating

Nagliwanag ang aking paligid dahil sa ganda ng iyong mga ngiti

at tila ba ang samyo ng pinaka mabangong bulaklak ay sumalo sa hangin

Isang araw ako’y nagising, sa aking tabi ikaw ay kapiling
Nalunod ako sa iyong matang wari ba’y nangangakong kailan man ay hindi mo ako lilisanin

Na dumaan man ang ilang bukang liwayway at takipsilim ay mananatili kang tapat sa akin

Isang araw ako’y nagising dama ko ang bawat pintig ng iyong dibdib habang ito ay nakalapat sa akin

at tila ba lahat ng aking takot ay nilipad na ng hangin
Doon ko lamang napagtanto na sa wakas,

nasagot na ang aking nag iisang hiling.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s